Positibo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magiging matagumpay ang pinakaunang parliamentary election ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa tulong ng mga lokal na pinuno.
Sa kanyang mensahe sa BARMM Mayors Conference, muling binigyang-diin ni Pangulong Marcos ang kahalagahan ng eleksyon na gaganapin sa Mayo 2025.
Nauna na rito, inihayag ng pangulo na inaasahan niyang magiging malinis at mapayapa ang halalan sa rehiyon.
Tiniyak din niya ang buong suporta ng pamahalaan sa patuloy na kaunlaran sa BARMM.
Kaugnay nito, matatandaang pinasalamatan ni Basilan Rep. Mujiv Hataman si Pangulong Marcos sa kanyang suporta sa BARMM parliamentary election dahil ito aniya ang pinakamataas na simbolo ng kalayaan at demokrasya para sa mga mamamayan.