Inihayag sa publiko ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na magagawa ng kaniyang administrasyon ang mga plano sa muling pagbangon ng bansa bunsod ng pandemiya at iba pang mga dahilan na nagresulta sa pagbagsak ng ekonomiya.
Sa BBM video vlog, sinabi ng Pangulo na pagtutulungan ng kaniyang mga gabinete ang kanilang mga naging plano o solusyon sa kinakaharap na problema ng bansa.
Ayon kay PBBM, kabilang sa kanilang mga sosolusyonan ang pagpapataas ng bilang ng fully vaccinated individuals laban sa COVID-19; kakulangan at problema sa mataas na presyo ng langis; kaligtasan ng mga mag-aaral sa pagbabalik ng klase; at seguridad ng pagkain sa bansa.
Sa kabila nito, muli namang nagpasalamat si PBBM sa publiko at nanawagan para sa kanilang kaligtasan laban sa banta ng COVID-19.