Naniniwala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nasa tamang landas na ang Pilipinas tungo sa pagbuo ng mas mapayapa, matatag, at masaganang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Sa turnover ng Third Intergovernmental Relations Body (IGRB) Progress Report sa Malacañang, kumpiyansang sinabi ni Pangulong Marcos na matutugunan ang mga natitira pang hamon sa rehiyon upang matiyak ang patuloy na pag-unlad rito.
Binigyang-diin din ng pangulo na hindi natitinag ang pangako ng pamahalaan na tulungan at suportahan ang BARMM, lalo’t nalalapit na ang unang Bangsamoro Parliament election na gaganapin sa May 12, 2025.
Kaugnay nito, ipinag-utos ni Pangulong Marcos sa Department of Budget and Management (DBM) ang agarang pagsasapinal sa IGRB manual of operations na magsusulong sa awtonomiya ng Bangsamoro region.