Sabi nga nila, ang buko ang puno ng buhay. Mula sa bunga at dahon, maging sa ugat, may makukuhang pakinabang dito.
Kaya approved ang netizens sa hangarin ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na palaguin ang coconut industry ng bansa.
Sa ginanap na meeting noong October 4, 2023, inutusan ni Pangulong Marcos Jr. ang Philippine Coconut Authority o PCA na bumuo ng isang general plan para sa development at rehabilitation ng coconut industry sa Pilipinas sa ilalim ng Coconut Planting and Replanting Project.
69 out of 82 provinces sa bansa ang nagpro-produce ng buko. Dahil dito, plano ng PCA na magsagawa ng replanting program o malawakang pagtatanim ng niyog. Nakipagpulong si Pangulong Marcos Jr. sa PCA para pag-usapan ang panukalang Coconut Planting and Replanting Project.
Ayon sa Malacañang, higit sa 3.60 million hectares ng lupa ang may papanim na niyog. Mula sa 15.86 million metric tons ng buko noong 2012, naging 14.93 million metric tons ang coconut production noong 2022. Maraming kinakaharap na isyu ang coconut industry kagaya ng pagdami ng mga matatandang puno, mga peste, natural disasters, at climate change.
Sa kabila nito, biggest exporter pa rin ng coconut products ang Pilipinas. Naitalang may total export value na $3.22 billion ang bansa noong 2022. 35% ng agricultural export earnings ng bansa mula 2013 hanggang 2022 ay galing sa coconut exports. Nakapagbibigay rin ang coconut industry ng trabaho sa higit 2.5 million farmers.
Big opportunity ang proyektong ito para sa Pangulo kaya mahalaga sa kanyang magkaroon ng malinaw at konkretong plano ang nasabing proyekto. Inirekomenda ng PCA ang pagkakaroon ng Memorandum Circular na magdidirekta sa lahat ng concerned national government agencies at manghihikayat sa local government units o LGUs na suportahan at makilahok sa Coconut Planting and Replanting Project.
Layon ng Coconut Planting and Replanting Project na magtanim ng higit sa 20 to 25 million coconut trees kada taon o 100 million coconut trees from 2023 to 2028.
Para ma-achieve ang ganitong goal, kinakailangang mag-participate ang buong bansa. Ayon sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng PCA at coconut-producing provinces at municipalities, hihimukin ang LGUs na magkaroon ng activities para sa coconut planting and replanting, seed farm development, at coconut fertilization.
Hangarin ni Pangulong Marcos Jr. na patuloy na ipatupad ang rehabilitation ng coconut industry kahit pa matapos ang termino niya. Sabi nga niya, don’t bother with political terms. Sa mga aksyon ng Pangulo hindi lang sa coconut industry kundi sa iba pang industryang pang-agrikultura, masasabing priority at mahalaga para sa kanya ang pagpapalago ng agriculture sector ng Pilipinas.