Lumipad na ngayong araw patungong Indonesia si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. bilang pagtanggap sa imbitasyon ni Indonesian President Joko Widodo.
Kauna-unahang foreign trip ito ni pangulong Marcos magmula nang umupo sa pwesto noong Hunyo.
Hanggang Martes, Setyembre 6 magtatagal ang pagbisita ni PBBM sa Indonesia at lilipad din patungong Singapore para naman makipagpulong kay President Halimah Yacob at kay Prime Minister Lee Hsien (Syen) Loong (Long)
Dahil wala sa bansa, si Vice President Sara Duterte-Carpio muna ang itinalagang Officer-In-Charge.
Ang mga isyung pag-uusapan ng Punong-Ehekutibo at ni Widodo ay may kaugnayan sa Defense, Maritime Border Security, Economic Development, at People-to-People Exchanges.
Magiging witness din ang dalawang pangulo sa paglagda ng ilang kasunduan para sa defense, culture at comprehensive plan of action.
Samantala, inaasahang itataas ni Marcos sa Indonesian Officials ang kaso ni Mary Jane Veloso na kasalukuyang nasa death row dahil umano sa drug trafficking.