Inihayag ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. na magtatayo ito ng mas marami pang ‘Kadiwa ng Pangulo’ centers sa iba’t ibang panig ng bansa.
Pahayag ng Presidente, sa ganitong paraan ay mas kikita ang mga magsasaka dahil mawawala na ang mga intermediaries o middlemen at makakabili rin ng mas murang agricultural products at iba pang produkto ang publiko.
“Ang aming ginagawa sa Kadiwa [ay] talagang pinaparami natin ‘yan. Ang nangyayari ay kailangan na rin talaga nating bantayan ‘yung supply ng mga agricultural commodities dahil kinukuha nga natin lahat nung mga mura, dinadaan natin sa Kadiwa. Eh very popular sa tao, siyempre at mas maganda talaga ang presyo kaysa sa ibang lugar,” pahayag ni Pang. Marcos sa programa ni dating Social Welfare Secretary Erwin Tulfo.
Maliban sa target na P20 kada kilo ng bigas, sinabi ni Pang. Marcos na mas pinalalakas din ang supply chain at sinisikap na maging abot-kayat ang mga pangunahing bilihin.
Napag-alaman na ang Kadiwa na may 300 nang sangay sa buong bansa ay isang linkage.