Kinumpirma ng Malacañang na magkakaroon ng trilateral phone call si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kasama sina outgoing US President Joe Biden at Japanese Prime Minister Ishiba Shigeru.
Ayon kay Presidential Communications Office Secretary Cesar Chavez, gaganapin ito sa darating na linggo, Enero a-dose.
Hindi naman idinetalye ng Kalihim kung ano ang mga paksang posibleng talakayin ng tatlong lider.
Ito ang unang pagkakataon na magkakaroon ng ganitong communication set-up ang Pangulo, kung saan makakausap niya ang dalawa pang matataas na lider ng mga kaalyadong bansa. – Mula sa ulat ni Gilbert Perdez (Patrol 13)