Nakatakdang magpadala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ng “Note Verbale” sa China matapos umanong kumpiskahin ng Chinese Coast Guard ang rocket debris na narekober ng Philippine Navy sa Pag-asa Island.
Ayon kay Pangulong Marcos, hindi nagtutugma ang ulat ng Philippine Navy at ulat mula sa China dahil ang salitang “sapilitang kinuha” ay ginamit ng navy na hindi naman kasama sa Chinese Navy Report.
Kailangan anyang resolbahin ang isyu kahit kumpleto ang tiwala niya sa Navy at naniniwala siya sa kanilang salaysay.
Aminado naman ang Pangulo na posibleng maging ugat ng malaking gulo ang isang pagkakamali na hindi dapat mangyari. —ulat mula kay Gilbert Perdez (Patrol 13)