Kinumpirma ni Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez na magtutungo sa estados unidos sa susunod na taon si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.
Ito ay para dumalo sa November 2023 Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit na gaganapin sa November 2023.
Hindi naman sinabi ni Romualdez kung kailan aalis ang pangulo at ano ang mga isyung posibleng matalakay sa pagtungo nito sa Estados Unidos.
Nitong Nobyembre, una na ring nagtungo si PBBM sa Bangkok, Thailand para dumalo sa 29th Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Economic Leaders’ Meeting.