Inaasahang magtutungo sa Switzerland at Japan si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr para sa state visit nito.
Ito ang sinabi Pangulong Marcos Jr. bago ang pag-alis sa China matapos ang tatlong araw na pagbisita sa nasabing bansa.
Ayon sa punong ehekutibo, ngayong buwan magaganap ang pagtungo niya sa Switzerland kung saan partikular niyang pupuntahan ang Davos para dumalo sa World Economic Forum (WEF).
Una rito, sinabi ni House Speaker Martin Romualdez na tinanggap ni PBBM ang alok ni WEF Founder at Executive Chairman Klaus Schwab na dumalo sa susunod na forum sa Switzerland mula Enero 16 hangang a-20.
Maliban sa Switzerland, susunod na pupuntahan ni Pangulong Marcos Jr. ang Japan bilang pagtupad sa imbitasyon ni Japanese Prime Minister Funio Kishida.
Ang ‘economic security’ ng Pilipinas ang pagtutuunan ng pangulo ng pansin sa pagbisita sa Japan.