Nakatakdang makipagkita si Pangulong Bongbong Marcos kay U.S. President Joe Biden sa 77th United Nations General Assembly (UNGA) sa New York.
Ito, ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, ang pagkakataon upang talakayin ng dalawang leader ang 76 na taong mabungang alyansa ng Pilipinas at U.S. sa aspeto ng mutual cooperation, two-way trade, direct investments at iba pang issue.
Kamakailan ay inamin ni Pangulong Marcos sa pagdalo sa New York Stock Exchange Economic forum na hindi niya makita ang hiniharap ng Pilipinas nang wala ang matagal na nitong kaalyadong U.S., bilang partner.
Kasalukuyang nasa Estados Unidos si PBBM para sa kanyang working visit at inaasahang magbabalik-bansa sa Sabado, Setyembre a – 24.