Nakatakdang makipagkita si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa lider ng China, kasabay ng paglahok nito sa 29th Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Economic Leaders’ meeting.
Bago ang kaniyang pagdalo sa Asian summit sa Cambodia noong nakaraang linggo, sinabi ni Marcos Jr. na ang West Philippine Sea (WPS) ang magiging isa sa top agenda kung makikipagpulong siya sa pangulo ng China.
Iginiit ng punong ehekutibo, imposibleng hindi niya babanggitin ang isyu sa WPS sa pakikipag-usap nito sa China.
Nabatid na isinusulong din ng pangulo ang pagpapatibay ng umiiral na code of conduct sa South China Sea sa panahon ng summit sa Cambodia pero dapat muna aniyang magkasundo ang mga partido sa isang status quo.
Sa pagdalo ng Pangulong Marcos Jr. sa ASEAN-East Asia Summit, muli niyang inihayag ang panawagan na gawing sea of peace, security, stability at prosperity at hindi lugar ng pagtatalo ang South China Sea.
Bukod sa bilateral meeting kasama ang mga opisyal ng China, lalahok din si Pangulong Marcos Jr. sa APEC CEO summit at makakasama niya ang kanyang mga counterpart sa APEC Economic Leaders’ meeting Gala dinner.