Makikipagpulong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Filipino community sa Japan.
Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) SEC. CHELOY GARAFIL, gagawin ito ng presidente bago umuwi ng Pilipinas pagkatapos ng limang araw na working visit sa nasabing bansa.
Kabilang sa mga mahahalagang aktibidad na sasalangan ni PBBM hanggang Pebrero 12 ay ang meeting nila ni Japanese Prime Minister Fumio Kishida kung saan bibigyan din ito ng imperial audience nina Emperor Naruhito at Empress Masako.
Isusulong din ni Pangulong Marcos Jr. ang interes ng bansa bilang magandang destinasyon ng pamumuhunan, pagpapatibay ng relasyong Pilipinas-Japan, sa pakikipagpulong niya sa Japanese business leaders.