Magiging makabuluhan ang pagtungo ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Junior sa Bangkok, Thailand.
Ito ay matapos ang apat na pagpupulong na nakatakdang daluhan ng pangulo ngayong araw na may kinalaman sa ginaganap na 29th Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Economic Leaders’ Meeting.
Unang dadaluhan ni Pangulong Marcos ang APEC-CEO Summit dakong alas-9:40 ng umaga o alas-10:40 (oras sa Pilipinas).
Pagsapit ng alas-11:00 ng umaga sa Thailand, magkakaroon naman ng private lunch ang pangulo.
Mangyayari ang bilateral meeting ng pangulo at ni Chinese President Xi Jin Ping pagsapit ng alas-5:30 ng hapon, oras muli sa Bangkok.
Samantala, pagpatak ng alas-8:00 ng gabi ay makikiisa ang pangulo sa APEC Economic Leaders’ Meeting and gala dinner sa Royal Thai Conference Hall.
Sinabi naman ng Office of the Press Secretary na posibleng magkaroon ng isa pang bilateral meeting ang pangulo ngayong araw pero hindi pa ito pinal.
Maliban sa pakikipagpulong upang pag-usapan ang iba’t ibang isyu, makikipagkita rin si Pangulong Marcos sa Filipino community sa Bangkok, Thailand.