Napabayaan man ng mahabang panahon, bubuhayin naman ito muli sa ilalim ng administrasyong Marcos. Ito ang sektor ng pangingisda.
Sa ginanap na 70th anniversary commemoration ng Federation of Free Farmers nitong October 25, 2023, tiniyak ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na priority niya ang pagpapaunlad at pag-modernize ng agri-fishery sector.
Upang maiangat ang kabuhayan ng mga mangingisda, pati na rin ng kanilang mga pamilya, susuportahan ng administrasyong Marcos ang sektor ng pangingisda. Sa pamamagitan ito ng paglalaan ng malaking pondo para sa modernisasyon at pagpapalakas ng kanilang produksyon.
As of 2023, nakapaglaan na ang Department of Agriculture ng 4.73 billion pesos na investment para sa large-scale modernization at mechanization sa mga sektor ng agrikultura at pangingisda.
Ayon kay Pangulong Marcos Jr., nais niyang paspasan ang paglago ng fishery at farming industries at optimistic siya na maisusulong ang modernisasyon dito.
Kabilang sa top priority ng administrasyong Marcos ang pagpapahusay sa productivity ng agrikultura, pagbawas ng bansa sa pag-import, at pag-increase sa export.
Pangako ng Pangulo, gagawin ng pamahalaan ang lahat upang tulungan ang mga magsasaka na makapag-produce ng magandang ani at ang mga mangingisda na magkaroon ng sapat na huli. Sisiguraduhin din niya na magkakaroon ng magandang hanapbuhay ang mga kababayan nating magsasaka at mangingisda.
Sa pagbuhay at pagpapalakas agri-fishery sector ni Pangulong Marcos Jr., matitiyak ang sapat na supply at abot-kayang presyo ng pagkain para sa lahat ng Pilipino.