Dinepensahan muli ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang 2025 general appropriations act.
Ayon kay Pangulong Marcos, bilang presidente, nagawa niyang basahin at suriin ang mahigit apatnalibong pahina ng 2025 General Appropriation Act.
Pero anya wala siyang nakitang blank items sa nasabing panukala, tulad ng ibinabato ng kanyang mga kritiko.
Giit pa ng Presidente, inalam niya ang lahat ng detalye na nakapaloob dito at nagresulta ito sa pagka-veto ng ilang mga item.
Kumbinsido ang Pangulo na hindi umiiral ang mga blank item dahil hindi ito pinapayagan ng batas.
Nabatid na naghain kamakailan ng petisyon sa Korte Suprema si Representative Isidro Ungab at Atty Vic Rodriguez upang ipawalang bisa ang 2025 GAA. – Sa panulat ni Kat Gonzales