Muling nanawagan ng pagkakaisa ang Pangulong Bongbong Marcos Jr., sa pagsalubong sa taong 2023.
Sa kanyang mensahe, hinimok ng punong ehekutibo ang mga Pilipino na panatilihin ang pagkakaisa upang mapagtagumpayan ang mga kakaharaping pagsubok.
Kumpyansa ang Pangulong Marcos na sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga Pilipino ay mas gaganda ang estado ng bansa.
Ipinunto pa ng Pangulong Marcos na mula sa mga nangyari sa nakalipas na taon, umaasa siyang lilikha ito ng lakas at inspirasyon na tunay aniyang nagbubuklod sa bawat isa — ang tunay na pagmamahal sa kapwa Pilipino at sa bansa.
Binigyang diin pa ng Punong Ehekutibo na mahalagang isabuhay ang tunay na kahulugan ng ‘Solidarity’.