Muling nilinaw ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na hindi ipe-phase out ng pamahalaan ang mga luma o tradisyunal na jeepney.
Paliwanag ng pangulo, hindi pinapalitan ng gobyerno ang traditional jeepney kundi ginagawa lamang itong moderno.
Sa pamamagitan aniya ng modernisasyon, mas malaki ang kikitain ng mga tsuper dahil mas mababa ang ‘cost per kilometer’ ng mga makabago o e-jeepneys.
Maliban dito, mababawasan ang polusyon sa hangin bilang ambag na rin ng pamahalaan sa mga hakbang laban sa climate change.
Higit pa sa pagbabago at pagmoderno ng mga pampublikong sasakyan, sinabi pa ni pangulong marcos na kailangan na ring iwanan ng ‘Bagong Pilipino’ ang mga lumang pag-uugali sa kalye na dapat aniya’y moderno na rin. – sa panunulat i Jeraline Doinog – mula sa ulat ni Gilbert Perdez