Inamin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nakaapekto sa kanyang kalusugan ang malamig na klima sa Brussels, Belgium.
Sa kanyang talumpati sa C-Suite Luncheon sa Sofitel Brussels Europe, humingi ng paumahin ang presidente dahil paos ang kanyang boses.
Ang pagkakaiba aniya ng temperatura ng Pilipinas at Belgium o mula 35 degrees patungo sa negative 3 ay talagang malaking epekto sa tumatanda niyang katawan.
Samantala, binigyang diin naman ni Pangulong Marcos ang kahalagahan ng pagtutulungan ng public sector at private institutions, lalo na’t ang mga asean member states ay hindi pa lubos na nakakabangon at nahaharap sa iba’t ibang hamon tulad ng geopolitical tensions, problema sa suplay, at presyo ng pagkain.
Nagpasalamat din ang punong ehekutibo sa mga lumahok sa business summit at umaasa ito na Pilipinas naman ang magiging host ng summit sa susunod na taon.