Nag-isyu si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng Executive Order na nag-aamyenda sa komposisyon ng Public-Private Partnership Governing Board o PPPGB.
Ang hakbang ay ginawa ng Presidente upang mapalakas ang private sector participation sa mga usaping may kinalaman sa PPP, kabilang ang mga malalaking proyekto ng pamahalaan.
Batay sa Executive Order No. 30 na nilagdaan ni PBBM nitong Hunyo 2, binanggit na ang PPPGB ay kabibilangan ng Socio-Economic Planning Secretary bilang Chairperson, Secretary of Finance bilang Vice-Chairperson habang magiging miyembro din ang mga kalihim ng mga departamento ng Finance, Budget and Management, Justice, Trade and Industry, at Executive Secretary.
Nakasaad din sa direktiba na magtatalaga ang pangulo ng isang kinatawan mula sa pribadong sektor.