Binuksan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Malacañang para sa publiko ngayong Pasko.
Simula nang umupo siya bilang Pangulo, palagi namang bukas ang Malacañang para sa mga Pilipino ngunit ngayong Kapaskuhan, nag-organisa ang pamilyang Marcos ng special treat para sa publiko.
Kabilang sa special treat na ito ang carnival para sa mga bata. Maaari ring bumisita at kumuha ng litrato sa Christmas tree at hardin ng Palasyo.
Bukod sa mga ito, maaari na ring dumalo sa Simbang Gabi. Ito ang pinakaunang beses na binuksan ang Palasyo para sa siyam na araw ng naturang tradisyon.
Para kay Pangulong Marcos, ang mga Pilipino ang tunay na may-ari ng Malacañang kaya aniya, paraan ang pagbubukas ng Palasyo ngayong Pasko upang masabi sa taumbayan na tumuloy sa kanilang sariling tahanan.