Aabot sa $4 billion ang investment ang iniuwi ni Pangulong Bongbong Marcos sa anim na araw nitong pagbisita sa New York, U.S.A. para sa 77th United Nations General Assembly.
Ayon sa palasyo, karamihan sa mga pangakong investments ay mula sa information technology, business process management, data centers at manufacturing na maaaring makalikha ng isandaan labindalawang libong trabaho.
Nilinaw naman ng malakanyang na ang naturang halaga ay hindi otomatikong sasalamin ng future investment.
Bagaman maraming kompanya ang interesadong maglagak ng puhunan sa bansa, kailangan pa ring maselyuhan ang mga investment pledges.
Bukod sa U.N. general assembly, dumalo rin si Pangulong Marcos sa isang economic briefing at nanghikayat ng mga negosyanteng mamuhunan sa Pilipinas.