Alam mo ba na kahit siya na ang may hawak ng pinakamataas sa posisyon sa bansa, hindi pa rin kinakalimutan ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang pagtawag ng “ma’am” sa mga guro?
Ito ang ibinahagi ni Pangulong Marcos Jr. na labis ikinatuwa hindi lang ng mga guro, pati na rin ng netizens dahil naipapakita nito ang mataas na respeto ng Pangulo sa mga guro. Dagdag pa nga niya, hindi na raw matatanggal ang habit na ito.
Sa ginanap na Konsyerto sa Palasyo: Para Sa Mahal Nating Mga Guro sa Malacañang noong October 1, 2023, nagkwento ang Pangulo tungkol sa isang teacher niya noong elementary na naging inspirasyon niya kung paano niya irespeto ang mga guro hanggang ngayon.
In-organize ang nasabing concert para i-celebrate ang Teachers’ Month ngayong Oktubre. Kasama ni Pangulong Marcos Jr. manood ng Konsyerto sa Palasyo sina First Lady Liza Araneta-Marcos, Vice President and Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte, Senator Imee Marcos, at iba pa.
Ayon sa Schools Division Superintendent ng Basilan na si Dr. Myra Borja Mangkabung, naramdaman niya ang pagpapahalaga ng Pangulo sa simple gestures nito. Sinang-ayunan ito ng Education Innovation Ambassador ng Sorsogon na si Michelle Rubio na nagsabing tanging si Pangulong Marcos lang ang nagparamdam ng appreciation sa kanila sa kabila ng pagsubok na kinakaharap nila mula sa COVID-19 pandemic.
Idiniin naman ni Engr. Reynaldo Ramos na hindi lang presentation ng Filipino talents ang nangyaring concert. Effective way rin ito para ipakita ang special concern ng Marcos administration sa mga guro sa Pilipinas.
Ayon sa Master Teacher II ng Jose Panganiban National High School sa Camarines Norte na si John Edward Atiwag, sa sampung taon niyang pagtuturo, ito ang unang beses na nag-organisa ang gobyerno ng special event para sa Teachers’ Month celebration
Kinabukasan, October 2, nangako ang Pangulo na patuloy nilang sisikapin na matugunan ang pangangailangan ng education sector, lalo na ang mga guro, mga estudyante, at mga paaralan.
Matatandaan na kamakailan lang, inutusan ni Pangulong Marcos Jr. ang DepEd na magsagawa ng pag-aaral para sa long-term approach ng pagpapataas ng sahod ng mga guro, on top ng wage hike na natanggap nila sa ilalim ng Salary Standardization Law. Effort niya ito upang tuparin ang kanyang campaign promise na salary increase para sa mga guro.
Sabi nga ni Dr. Mangkabung, masaya silang mga guro dahil may boses na sila at napapakinggan ito ng kasalukuyang administrasyon.
Dagdag din ni Engr. Ramos, nakaka-boost ng morale ang pagpapahalaga ng gobyerno sa sipag at tiyaga ng mga guro sa bansa at masasabi niyang ito ang Bagong Pilipinas.