Kasabay sa pagdiriwang ng National Heroes Day, binigyang-pugay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kontribusyon ng mga magsasaka, guro, health workers, civil servants, at mga manggagawa sa pag-unlad ng Pilipinas.
Sa kanyang mensahe, idiniin ni Pangulong Marcos na may higit pang kahulugan sa kasalukuyan ang mga kwento ng katapangan, katatagan, at pagmamahal ng mga bayani sa bansa.
Bukod kina Jose Rizal, Apolinario Mabini, Emilio Jacinto, at iba pa, dapat aniyang parangalan ang mga makabagong bayani na tumutulong sa pag-unlad ng ekonomiya, humuhubog sa isipan ng mga kabataan, nagliligtas ng mga buhay, at tumutugon sa pangangailangan ng publiko.
Dagdag pa rito, hinikayat ni Pangulong Marcos ang publiko na kumuha ng inspirasyon mula sa katapangan ng mga ninuno at kapwa Pilipino, kasabay sa pagsisikap ng pamahalaan na lumikha ng Bagong Pilipinas kung saan maaaring mamuhay ang bawat isa nang kumportable at marangal.