Masama pa rin ang loob hanggang ngayong araw ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos sa nangyaring trahedya dala ng nagdaang super typhoon Yolanda nuong 2013.
Sa isang panayam sa pangulo, emosyonal na kinuwestyon muli ni Pangulong Marcos kung bakit ipinatigil nuon ang pagbibilang ng mga nasawi sa lalawigan.
Hindi pa rin kumbinsido si Pangulong Marcos na hanggang 6,000 lamang ang bilang ng mga nasawi nuon sa trahedya.
Sinabi pa ng pangulo na higit pa rito ang namatay at hanggang ngayon hindi pa rin alam kung ilan lahat at kung sinu-sino ang mga ito.
Marami pa rin aniyang pamilya ang hindi pa nakakarekober sa pagkawala ng kanilang mga mahal sa buhay dahil ipinatigil ang paghahanap sa mga ito.