Hinirang ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. si Brig. Gen. Leonel M. Nicolas bilang bagong hepe ng Intelligence Service ng Phil. Army.
Kinumpirma naman ni Presidential Communications Office Sec. Cheloy Velicaria-Garafil ang appointment ni Nicolas.
Itinalaga rin ni Pang. Marcos si Atty. Ella Blanca Lopez bilang Commissioner ng National Telecommunications Commission o NTC.
Sa hiwalay na appointment papers, iniluklok ni PBBM bilang Deputy Executive Director IV ng Government Procurement Policy Board-Technical Support Office sa ilalim ng Department of Budget and Management o DBM sina Ma. Jozzenne Claire Beltran-Carandang at Maria Dionesia Rivera-Guillermo.
Samantala, ipinuwesto naman ni Pang. Marcos bilang mga bagong miyembro ng National Tripartite Industrial Peace Council o DOLE sina Arturo Baesa, Annie Geron, Angelita Señorin at Jesus Villamor na kumakatawan sa labor sector.
Kasabay nito, naglagay din ang Presidente ng mga bagong miyembro ng Regional Tripartite Wages and Productivity Commission.
Kabilang sa mga bagong appointees sina Juan Johnny Dela Cruz at Alfonso Lao na kumakatawan sa Employers Sector ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board sa CAR habang magiging kinatawan naman ng Employers Sector ng Region 13 si Romeo Sustiguer Jr.