Nagdadalamhati si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa pagpanaw ng kanyang tiyuhing si dating Pangulong Fidel Ramos.
Sa kanyang official facebook page, nagpaabot ng pakikiramay si Pangulong Marcos sa pamilya Ramos.
Nakikiisa rin ang punong ehekutibo sa pagluluksa ng sambayanang Pilipino sa pagyao ng dating Pangulo.
Inihayag din ni PBBM na hindi lamang nawalan ng isang mabuting leader ang bansa kundi ng isa ring miyembro ng kanilang pamilya.
Habang-buhay anyang kikilalanin ng sambayanan ang pamana at ambag ni FVR.
Si Ramos ay second cousin ng ama ni PBBM na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.
Magkapatid ang lolo ng nakatatandang Marcos na si Fabian at lola ni Ramos na si Crispina Marcos-Valdez.