Nagpaabot ng pakikiramay si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pamilya ng anim na sundalong nasawi matapos makipag-engkwentro sa isang teroristang grupo sa Lanao del Norte.
Ayon kay Pangulong Marcos, bibigyan ng tulong-pinansyal ang pamilya ng mga sundalong napaslang.
Nangako rin siyang patuloy na palalakasin ng pamahalaan ang kampanya nito laban sa terrorist groups.
Matatandaang noong February 18, nagkaroon ng engkwentro ang mga sundalo sa Islamic State-linked Dawlah Islamiyah group sa Munai, Lanao del Norte.
Bukod sa anim na sundalong binawian ng buhay, sugatan ang apat na miyembro ng 44th Infantry Battalion.
Naglunsad na ang militar ng manhunt operations laban sa mga terorista.