Pinasalamatan ni Pangulong ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang Malacañang Press Corps (MPC) sa naganap na year-end dinner party para sa mga media.
Kung saan binigyang pagkilala ng pangulo ang sipag at dedikasyon ng mga mamamahayag sa paghahatid ng impormasyon sa publiko.
Nabatid na nakatakdang magtungo ngayong linggo ang pangulo sa Brussels, Belgium upang dumalo sa Asean- European Union Commemorative Summit.