Nagpaalala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa publiko na magbasa upang maiwasan ang fake news.
Sa kanyang pinakahuling vlog, ibinahagi ni Pangulong Marcos ang payo sa kanya ng kanyang lola na basahin ang lahat upang makita ang iba’t ibang panig bago gumawa ng desisyon.
Ayon sa Pangulo, dapat kilatisin kung ano ang maganda o hindi tama dahil mahirap na kilalanin ang fake news sa panahon ng teknolohiya.
Samantala, binigyang-diin ni Pangulong Marcos ang kahalagahan ng politika. Aniya, isa itong prinsipyo na hindi dapat ma-kompromiso upang makatulong hindi sa sarili, partido, o pamilya, kundi para sa lahat ng tao.