Interesado si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bumili ng mga local products para sa government procurement higit lalo ang mga gawang lokal na materyales na posibleng magamit ng pamahalaan sa mga proyektong pang-imprastraktura.
Sa naganap na pagpupulong kabilang ang private sector advisory council infrastructure cluster, taos-pusong tinanggap ni PBBM ang rekomendasyon ng konseho kung saan kinikilala nito ang kahalagahan at prayoridad sa mga gawang lokal na materyales.
Dahil dito, ipinag-utos ni PBBM sa Department of Trade and Industry na makipag-ugnayan sa PSAC upang bumuo ng listahan ng mga partikular na construction materials.
Bukod sa DTI, inutusan din ng Pangulo ang Department of Budget and Management katuwang ang government procurement policy boards na magkaroon ng patakaran sa pagbibigay ng materyales sa pamamagitan ng mga kaukulang alituntunin, umiiral na batas, tuntunin at regulasyon.