Nagpasalamat si President-Elect Ferdinand Marcos Junior sa mga Cebuano dahil sa ambag ng mga ito sa pagka-panalo niya at ng kanyang running-mate, na si Vice President-Elect Sara Duterte sa May 9 National at Local Elections.
Sa kanyang talumpati sa oath-taking ceremony ng mga opisyal ng One Cebu Party, tinukoy ni Marcos ang lalawigan bilang may pinaka-malaking ambag sa kanyang pagka-panalo sa presidential race.
Umabot sa mahigit isang milyon ang botong nakuha ni PBBM mula sa Cebu, na pinaka-vote-rich province.
Nakakuha naman ng 391,000 votes ang kanyang pinaka-malapit na karibal na si Outgoing Vice President Leni Robredo.
Magugunitang tinalo ni Robredo si Marcos sa Cebu noong 2016 Vice-Presidential Race.
Taong 1969 naman nang huling manalo ang isang Marcos sa Cebu, noong panahon ng kanyang amang si dating Pangulong Ferdinand Marcos Senior.