Nagsagawa ng Aerial Inspection si Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. sa mga naging pinsala ng nagdaang Bagyong Paeng sa Maguindanao.
Ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang pinakamadaming naitalang nasawing indibidwal sa buong bansa dahil sa bagyo.
Inaasahan namang bibisita si Pangulong Marcos sa iba pang lugar na naapektuhan sa Maguindanao.
Samantala, nakasailalim pa rin sa State of Calamity ang nasabing rehiyon.