Nagsagawa kaninang umaga ng full cabinet meeting si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Sa Malacañang.
Ito ay bilang pagpapatuloy ng presentasyon ng mga ahensiya ng gobyerno sa mga naging accomplishment nila sa nakalipas na taon.
Inihayag ni Press Briefer Daphne Osena-Paez na ilan lamang sa mga nagbigay ng presentasyon sa pangulo at ang mga kalihim ng DOJ, DILG, DA, DOE, DOLE, DSWD, DAR at DOH.
Aniya, nagbigay rin ang mga ito ng kanilang report kaugnay sa kani-kanilang mga programa at plano ngayong 2023.
Samantala, pinaalalahanan naman ni PBBM ang mga kalihim na upang makamit ang 8-point socio-economic agenda ng administrasyon dapat ay isaisip ang mga ginagawa at paigtingin ang kooperasyon at interaksiyon ng bawat ahensiya.