Nagtalaga si Pang. Ferdinand Marcos Jr. ng mga bagong opisyal ng Department of Agriculture at Department of Agrarian Reform.
Ayon kay Presidential Communications Office Sec. Cheloy Velicaria-Garafil, itinalaga ni PBBM si Karen Kristine Roscom bilang Director IV ng Bureau of Agriculture and Fisheries Standards o BAFS na nasa ilalim ng pamamahala ng DA.
Ipinuwesto rin si Paul Limson bilang Director IV ng Bureau of Animal Industry o BPI.
Hinirang naman bilang Director IV ng Department of Agrarian Reform si Romeo Reyes habang kapwa Director III naman sina Josemari Hernando at Lita Rosales.
Nabatid na kapwa in-appoint ang mga bagong opisyal noong Pebrero 7 ngayong taon, batay na rin sa kanilang appointment papers.