Nagtalaga si Pang. Ferdinand Marcos Jr. ng mga opisyal ng Department of Transportation at Land Transportation Office.
Sa appointment papers na nilagdaan ni PBBM, muling itinalaga si Atty. Reinier Paul R. Yebra bilang Undersecretary for Legal Affairs ng DOTr.
Iniluklok naman ng Punong Ehekutibo si Atty. Giovanni Z. Lopez bilang Executive Director ng LTO. Si Lopez ay dating DOTr Assistant Secretary.
Nanumpa na rin sa tungkulin ang dalawang opisyal sa harap ni Transportation Secretary Jaime Bautista.
Samantala, wala pang pahayag si Office of the Press Sec. officer-in-charge Usec. Cheloy Garafil ukol sa appointment ng mga nasabing opisyal.