Inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nais niyang mas maging maganda ang kalagayan ng pilipinas kumpara sa kinatatayuan nito bago ang pandemya.
Binigyang diin ni Marcos sa kaniyang inaugural speech na hindi ang nakaraan kundi ang hinaharap ang nais nitong pag-usapan.
Habang hinihingi ang tulong ng mga Pilipino, sinabi ni Marcos na hindi niya ito aasahan at gagamiting dahilan.
Matatandaan na noong kampanya ay sinabi ni marcos na sa halip na sagutin ang mga ibinabato sakanya ng kanyang mga kalaban ay mas ninais nito na maghanap ng solusyon sa mga problema ng bansa.
Aniya, ito ang kaniyang ilalahad sa kanyang paparating na State of the Nation Address (SONA) sa Hulyo 25.
Samantala, nanawagan din si Marcos sa mga sambayana na makiisa sa pagharap sa mga hamon upang makamit ang mga pangangailangan ng mga Pilipino.