Nakaalis na ngayong hapon patungong China si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.
Para ito sa 3 araw na state visit mula Enero 3- 5 , kauna-unahan mula nang maupo sa pagkapangulo noong Hunyo 30, 2022.
Sakay si Pangulong Marcos ng A330 plane ng Philippine Airlines na nagsagawa muna ng Departure speech sa Villamor Air Base bago umalis.
Sa pahayag ng pangulo, tiniyak nito na magbubukas siya ng bagong kabanata sa pakikipagtulungan sa China kung saan sisikapin niyang pasiglahin ang makabuluhang relasyon ng dalawang bansa at palawakin ang kooperasyon sa iba’t ibang larangan gaya ng agrikultura, enerhiya, imprastraktura, agham at teknolohiya, kalakalan at pamumuhunan.
Inaasahan naman ni Pangulong Marcos ang pagpupulong kay Chinese Presidente Xi Jinping tungo sa pagkakataon para sa kapayapaan at kaunlaran sa mga mamamayan.
Samantala, tiniyak ng punong-ehekutibo sa publiko na tatalakayin niya kay Xi ang mga isyu sa politika at seguridad.
Kasama sa grupo na naghatid kay PBBM sina Vice President Sara Duterte, Senadora Imee Marcos, Tourism Secretary Ma. Christina Frasco, at miyembro ng gabinete nito.