Nakarekober na si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at handa nang sumabak muli sa kanyang trabaho, matpos tamaan ng COVID-19.
Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles ito ay matapos na bisitahin ni Dr. Samuel zacate at ineksamin sa kondisyon ng punong ehekutibo.
Batay sa pagsusuri ni Dr.Zacate, wala ng ubo, lagnat, hindi na barado ang ilong at hindi na rin nangangati ang ilong ng Presidente.
Samantala, handa na anila itong bumalik sa kanyang face to face na mga aktibidad bagamat kailangan pang tapusin ang pitong araw na isolation.
Mababatid na nakasaad sa health bulletin ng personal doctor ng Pangulo na kapag walang nakitang sintomas ng COVID-19 sa loob ng 24 oras ay maaari ng ma-release sa isolation ang presidente sa Biyernes, July 15.