Sa imbitasyon ni Australian Prime Minister Anthony Albanese, nakatakdang dumalo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa 2024 Association of Southeast Asian Nations (ASEAN)-Australia Special Summit na gaganapin sa March 4-6.
Ito ang inanunsyo ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa isang press briefing sa Malacañang.
Nauna pa rito, bibisita si Pangulong Marcos sa Australia simula ngayong araw, February 28, kung saan inaasahang tatalakayin ang strategic partnership ng Pilipinas at Australia.
Matatandaang ipagdiriwang ngayong taon ang ika-78 na anibersaryo ng diplomatikong relasyon ng dalawang bansa.
Itinuturing ang Australia bilang pinakamatagal na dialogue partner ng ASEAN. Isa rin ito sa mga pinaka-aktibo at dynamic na bansa pagdating sa maraming larangan, kabilang na ang ekonomiya, political security, at social culture.