Nakatakdang lagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukalang batas na magkakaloob ng benepisyo para sa mga Filipino octogenarians at nonagenarians, maliban sa mga centenarians.
Nagpasalamat naman kay PBBM si Sen. Bong Revilla, principal author ng bill, sa napipintong pagsasabatas ng pangunahing panukala upang amyendahan ang Centenarians Law.
Sinabi ni Revilla na maituturing itong tagumpay sa matagal na niyang ipinaglalaban para sa mga lolo at lola.
Sa ilalim ng proposed measure, lahat ng mga Pilipino na may edad na 80, 85, 90, at 95 ay pagkakalooban ng cash gift na nagkakahalaga ng P10,000 habang patuloy pa ring makakatanggap ng P100,000 ang mga 100 taong gulang.