Kinumpirma ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na makikipagpulong siya kay United States President Donald Trump.
Ito’y sa kabila ng pansamantalang pag-freeze ng tulong mula sa Amerika.
Ayon kay Pangulong Marcos, mahalagang talakayin ang mga usapin ng kalakalan, depensa, seguridad, at bagong mga polisiya sa imigrasyon, lalo na’t nasa isandaang pilipino na ang napa-deport.
Mahalaga anya ang kontribusyon ng mga Pilipino sa workforce ng amerika kaya’t kailangang maayos ang mga isyung may kaugnayan dito.
Samantala, umaasa naman ang Presidente na ang mga aniya’y “growing pains” ng bagong administrasyon ay pansamantala lamang at kalaunan ay magiging malinaw ang mga polisiya.
Giit ng Pangulo, sa tamang pagkakataon ay makikipagpulong siya kay trump upang masusing mapag-usapan ang mga mahahalagang usapin.
Inaasahan naman na magiging mahalaga ang pulong na ito para mapalakas ang relasyon ng dalawang bansa sa aspeto ng ekonomiya, depensa, at karapatan ng mga pilipino sa nasabing bansa. – Sa panulat ni Kat Gonzales