Inihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang paggamit ng renewable energy upang maibsan ang epekto ng climate change sa bansa.
Sa unang State of the Nation Address (SONA), sinabi ni Pangulong Marcos Jr. na bagama’t maliit lamang ang kontribusyon ng bansa sa climate change ay tayo ang isa sa mga pinaka-naaapektuhan ng mga kalamidad na dulot nito.
Ayon sa pangulo, mas gagamit tayo ngayon ng renewable energy sources at mag-iinvest din ang bansa ng mga teknolohiya.