Nakiisa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa selebrasyon ng Eid’l Adha o Feast of Sacrifice ng mga muslim ngayong araw.
Sa mensahe ng Pangulo sa publiko, sinabi nito na ang okasyon ay paalala na anumang pagsubok ang dumating, basta ay may malalim na pananalig at katapatan sa paniniwala ay malalagpasan ito.
Sagisag din ng okasyon na dapat maging handa sa lahat dahil hindi madali ang tatahaking landas.
Kung lalaban naman para sa tama at para sa kapakanan ng lahat, magreresulta pa ito ng mabuting gawain.
Hinimok naman ni PBBM ang sambayanan na ayusin ang hindi pagkakaintindihan at pagkahati-hati at sa halip ay magkaisa para sa mas matatag na bansa.