Isinusulong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang agarang pagkilos ng mga Pilipino sa harap ng lumalalang impact ng global warming at climate change.
Ito’y kasabay ng pagbati ng pangulo para sa 16th Annual Global Warming and Climate Change Consciousness Week.
Ayon kay PBBM ang tumataas na temperatura, extreme weather events, at pagbagsak ng biodiversity ang nagsisilbing paalala na kina-kailangan na ang agarang pagtugon.
Kaugnay nito, hinikayat nito ang Climate Change Commission na isulong ang tema ng pagkakaisa at kooperasyon para sa pagtataguyod ng mas matatag at mas adaptable na bansa.
Ipina-alala rin ng ahensya na ang lahat ay may papel sa misyon sa planeta, at ang lahat ay makapag-aambag ng solusyon.
Ang climate injustice ay kabilang sa mga tinalakay ng pangulo sa APEC Leaders’ Summit sa USA. - sa panulat ni Jeraline Doinog mula sa ulat ni Gilbert Perdez (Patrol 13)