Labis na ikinalugod ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagtutulungan ng public at private sectors upang ang Pilipinas ay maging major player sa e-vehicle industry.
Kasabay ng papuri rito, sinabi ng Pangulo na nakikita niyang may potensyal ang bansa para sa produksyon ng EVs.
Sa pahayag na ibinahagi ng Presidential Communications Office (PCO), binanggit ni Pangulong Marcos sa Private Sector Advisory Council (PSAC) Job Sector Groups sa pulong sa Malakanyang na ang bansa ay magiging bahagi ng global chain para sa EVs.
Kaugnay nito, inatasan ng Pangulo ang PSAC-JSG na magsumite ng kumpletong listahan ng kanilang proposals na iprinisinta sa palasyo.
Pahayag ng PCO, ansa taong 2026 ay inaasahang malalampasan ng global EV sales ang bentahan ng non-EV.
Sa ngayon, ayon sa Malakanyang, pito sa labingwalong common automotive components ng sasakyan ay ginagawa sa Pilipinas.
Sinasabing ang bansa ay nasa pang-apat din sa buong mundo pagdating sa copper reserves.