Nakipag-pulong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga opisyal ng National Economic Development Authority (NEDA) upang talakayin ang Philippine Development Plan (PDP) para sa 2023-2028.
Ito ang inanunsyo ng Office of the Press Secretary na pag-uusapan din sa pagpupulong ang mga hakbang upang matugunan ang mga hamon na kinahaharap ng bansa.
Bilang bahagi ng Philippine Economic Recovery, layunin ng naturang plano na lumikha ng mas maraming trabaho para sa mga Pilipino at mabawasan ang poverty rate o kahirapan sa bansa.
Ang Philippine Development Plan 2023-2028 ay naglalaman ng mga target at estratehikong aksyon ng mga ahensya ng gobyerno sa susunod na anim na taon.