Agad sumabak sa trabaho si Pangulong Bongbong Marcos at nakipag-ugnayan sa mga miyembro ng kanyang gabinete na direktang kabilang sa tumututok sa sitwasyon kaugnay sa epekto ng Typhoon Karding.
Ito’y kahit may jet lag pa dahil sa kanyang anim na araw na working visit sa Estados Unidos.
Ayon kay PBBM, patuloy ang kanyang pakikipag-ugnayan kay Defense secretary Jose Faustino Jr., na chairman ng NDRRMC secretaries Erwin Tulfo ng DSWD at Renato Solidum ng DOST.
Magugunitang ipinag-utos ng Pangulo ang suspensyon ng trabaho sa lahat ng government offices at klase sa mga pampublikong paaralan sa NCR at pitong iba pang rehiyon.