Nakipagpulong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga opisyal ng Chen Yi Agventures.
Nabatid na sa meeting ay tinalakay ang mga maaaring hakbang na magpapaigting sa pagsiguro ng sapat na pagkain sa bansa.
Kabilang sa mga founder ng kompanya si French Patrick François Renucci at misis nitong Filipino-Chinese na si Rachel Renucci.
Ayon sa Office of the Press Secretary (OPS), ang Agventures ay isa sa mga nangungunang rice processing center sa South East Asia.
Nabatid na layunin ng organisasyon na tulungan ang mga magsasakang Pinoy na makaahon mula sa kahirapan at magkaroon ng sustainable agricultural production.