Nakipagpulong sa ilang opisyal ng gobyerno si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., para talakayin ang ibat-ibang usapin na kinakaharap ngayon ng bansa.
Ayon kay Office of the Press Secretary (OPS) officer-in-charge Undersecretary Cheloy Garafil, kasalukuyang naka-monitor ang gobyerno sa sitwasyon ng Pilipinas lalo na ngayong holiday season.
Kabilang sa mga tinalakay sa naganap na meeting ang pamamahagi ng agarang tulong sa mga biktima ng pagbaha at pagguho ng lupa sa Visayas at Mindanao bunsod parin ng epekto ng shear line at northeast monsoon o hanging Amihan.
Sa pahayag ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) at Department of Social Welfare and Development (DSWD), patuloy silang nakikipag ugnayan sa mga lokal na pamahalaan ng mga nabanggit na lalawigan, para makapag-abot ng tulong sa mga residenteng pinaka apektado ng pagbaha.
Samantala, bukod sa mga naapektuhan ng pagbaha, problema din ng publiko ang mataas na presyo ng langis, mga bilihin at serbisyo sa bansa.